Sa pagdalaw ni Secretary Proceso J. Alcala ng Department of Agriculture nitong nakaraang lingo dito sa lalawigan, nagkaroon ng panibagong pag-asa ang sector ng magsasaka at mangingisda dahilipinangako nito na bibigyan nya ng prioridad na tulungan ang mga ito upang mapaangat ang kasalukuyang kalagayan nila sa buhay.

Dahil dito, inasahan ng ating mga magsasaka at mangingisda na mabigyan na sila ng sapat na atensyon kung saan, sa mga nakalipas na panahon, ay ginawa lamang sangkalan, upang kumita ang ilang mga ganid na opisyal ng ating lalawigan.

Katunayan, madalas nag awing rason ng ating mga opisyal, partikular nung nakalipas na administrasyon, ang paglaan ng pondo para sa magsasaka at mangingisda bilang suporta umano sa mga ito lalo na noong tumama ang bagyong Undoy, ngunit hanggang sa mga oras na ito, hindi maramdaman ng nasabing sector ang tulong na kanilang ipinangako.

Kung may ipinamigay man silang tulong sa mga magsasaka at mangingisda, ito ay noong kasagsagan ng kampanya noong nakalipas na Mayo 10 local at national na election kung saan, bumuhos ang sako-sakong bigas ng NFA galing sa kapitolyo na may nakalagay na litrato nina Budoy Madrona, Jojo Beltran, at DE Perez sa plastic na supot na lalagyan nito.Lumabas na hindi ito bilang ayuda sa kahirapan ngmga tao kundi, ito ay malinaw na pamumulitika lamang!

Sa kasalukuyang administrasyon ni Governor Lolong Firmalo at sa pangakong binitiwan ni Secretary Alcala, muling nakabanaag ng panibagong pag-asa ang ating magsasaka at mangingisda dahil sa prioridad ni Gov. Firmalo ang agrikultura at napatunayan na rin ni dating congressman at kasalukuyang Agriculture Secretary Alcala na sa pamamagitan ng pagsasaka at pangingisda ay nabago nila muli sa dating mahirap na lalawigan ang Quezon patungo sa isang maulnlad na pamayanan sa ngayon.

Sana lang, sa lalong medaling panahon ay magkaroon ng realidad ang mga programang ito ng ating gobyerno upang sa ganun, hindi tuluyang mawala ang tiwala ng sector ng magsasaka at mangingisda sa ating mga opisyal sa pamahalaan.

red-lorenzana

LOUELLA ROWENA LORENZANA, Ph.D.
OIC, Regional Executive Director

Back to Top