Magsaysay, Occidental Mindoro. Ang kooperatibang magtatanim ng Bawang sa pangunguna ng Mindoro Allium Growers MPC (MAGRO MPC), San Jose Onion growers Association, Camsikat Onion and garlic Growers MPC at Lubang Island garlic growers MPC ay nagsagawa ng simple at makasaysayang "paghahatid Kalakal " (send-Off ceremony) noong Mayo 16, 2014 sa MAGRO compound Food Terminal Magsaysay, Kanlurang Mindoro.

 Naglalayong palakasin and industriya at pag ibayuhin ang palitan ng kalakalan ng produktong bawang (BARTER TRADE) sa ibang produkto ng mga kaugnay na kooperatiba at ang nabanggit na paghahatid kalakal ng bawang ay nakatalaga na dadalahain sa Divisioria, Quezon, Batangas, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, Koronadal, General Santos at Zamboanga.

May temang "Bawang Katutubo, masarap at garantisado, maipagkakapuring totoo, langhap-sarap katangian nito. Hahanap-hanapin lagi ito, saan mang panig ng mundo, kaya't tangkilikin natin ito, bawang ng Mina de Oro, buhat sa Isla ng Mindoro", kabalikat ng programang ito ang VIEVA Phils., Inc. ang PUM3P (Pambansang Ugnayan ng Magsasaka, mangingisda at Manggagawang Pilipino) na may layuning isulong at palaguin ang tripartite Public-Private Partnership.

Higit sa lahat ang mithiing pag-ibayuhin ang pagpaparami, pagtangkilik at pagpapalago sa Industriya ng Bawang na lubhang napag iwanan at nanamlay nitong makaraang dekada dahil sa pagpasok sa bansa ng dayuhang kalakal na bawang.

Dinaluhan ang send-off ceremony nina Corazon Sinnung, program coordinator ng HVCDP ng Department of Agriculture-RFO-IV-MiMaRoPa, Rizal Occidental Mindoro Mayor Jesus Valdez at Kasama ang Sangguniang Bayan members, Former Bulalacao Mindoro Mayor Villas at mga miyembro ng organisasyon ng mga magtatanim ng bawang. ### CMSANFELIPE-DA-4B.

red-lorenzana

LOUELLA ROWENA LORENZANA, Ph.D.
OIC, Regional Executive Director

Back to Top